SPMC, nagdagdag ng 6 COVID ICU beds

Nagdagdag ng anim na Intensive Care Unit (ICU) beds ang Southern Philippines Medical Center (SPMC), para sa mga pasyente na nagpositibo sa COVID-19.

Ayon kay Dr. Ricardo Audan, Medical Center Chief ng SPMC, layunin nito na matugunan ang pangangailangan ng mga pasyente matapos tumaas ang utilization rate ng ICU bed sa nasabing pagamutan.

Base sa record ng SPMC, nakatala ng 77.14 percent utilization rate sa ICU bed mula sa 35 beds, na 27 nito ang okupado.

Nananatili namang nasa 46.88 percent ang utilization rate ng COVID ward mula sa 337 ward beds, kung saan 158 nito ang okupado.

Sa ngayon, nasa 41 na ang ICU beds ng SPMC, ang nag-iisang COVID-referral hospital sa Davao City.