Special permits para sa mga bus na bibiyahe sa ibang ruta sa panahon ng Undas, ilalabas na sa Lunes – LTFRB

Tinapos na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagtanggap ng aplikasiyon para sa mga permit mula sa mga bus operator, para makapagbiyahe sa ibang ruta bago at pagkatapos ng Undas.

Sa kasalukuyan nasa 404 applications na ang nakahain sa tanggapan ng LTFRB at naghihintay na maaprubahan at mabigyan ng special permits ang may kabuuang 933 units ng bus.

Sa panig ng LTFRB, 80% ng kabuuang bilang ng mga bus unit ang target na mabigyan ng special permits na inaasahan ilalabas na sa Lunes.

Sa panahon ng pagkuha ng special permit, tinitiyak ng LTFRB na ang bilang ng mga applied unit ay nasa 25% ng kabuuang authorized units sa bawat ruta,
at ang yunit ay hindi dapat hihigit pa sa 10 taong gulang at dapat magkaroon ng insurance ang mga pasahero.

Magkakabisa ang special permit mula Oktubre 30 hanggang Nobyembre 5 lamang.

Pagtiyak pa ni Delgra sa publiko, na hindi magkakaroon ng kakulangan sa sasakyan sa panahon ng undas.

Simula din sa Lunes, maglalagay na ng help desk sa mga malalaking terminal ang LTFRB at iba pang ahensiya ng gobyerno, para alalayan ang magsisiuwiang pasahero sa kanilang probinsiya. | ulat ni Rey Ferrer