Special Action Force troopers, ide-deploy ng PNP sa mga lugar na sakop ng Memorandum Order 32

Ide-deploy ng Philippine National Police (PNP) ang mga tropa ng Special Action Force (SAF) sa mga lugar na tinukoy sa Memorandum Order 32 ng Malacañang.

Ito ang inihayag ni PNP Spokesperson CSupt. Benigno Durana matapos atasan ng naturang memorandum order ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at PNP na magdadagdag ng pwersa sa Samar, Negros Oriental at Occidental at Bicol Region bilang pangontra sa pagkalat ng “lawless violence”.

Ayon kay Durana, nakatakdang magpulong ngayong linggong ito ang Joint Peace and Security Coordinating Council ng AFP at PNP.

Dito aniya tatalakayin ang mga detalye ng gagawin nilang deployment ng karagdagang pwersa.

Sinabi rin ni Durana na binigyan na rin ng PNP ang mga Regional directors na nakakasakop sa mga naturang lalawigan ng diskresyon sa pagtataas ng alerto depende sa kanilang pagtaya sa situwasyon sa kanilang lokalidad.  | ulat ni Leo Sarne