Speaker Velasco, positibo na maipapasa ang Economic Cha-Cha bago mag-adjourn ang Kongreso sa June 4

Positibo si House Speaker Lord Allan Velasco na kayang ipasa ng Kamara ang Resolution of Both Houses No. 2 o Economic Charter Change bago ang sine die adjournment ng Kongreso sa June 4.

Ayon kay Velasco, posibleng matapos nila ang pagtalakay sa RBH2 sa loob ng tatlong linggong sesyon ng Kongreso bago muli mag-break.

Diin ng Marinduque representative na pangunahing naghain ng RBH2 kailangan nang baguhin ang restrictive economic provisions ng Saligang Batas upang makapagpapasok ng foreign investors.

Umaasa naman ang mambabatas na magiging bukas ang Senado sa panukala at suportahan ito.

Sa kabila nito sinabi ni Velasco na hindi kailangan madaliin ang pagdinig sa panukala.

Sasapat pa rin naman kasi aniya ang oras para maisabay sa 2022 elections ang plebesito para sa RBH2.