SP Sotto, tiniyak na walang magbabago sa maayos na pagtatrabaho at pakikipag-ugnayan ng Senado sa Kamara

Tiniyak ni Senate President Tito Sotto na walang magbabago sa maayos na pagtatrabaho at pakikipag-ugnayan ng Senado sa Kamara.

Pahayag ito ni Sotto kasunod ng biglaang pagbabago sa liderato ng Kamara na pinamumunuan na ngayon ni dating Pangulo at Pampanga Representative Gloria Arroyo.

Ginawa din ni Sotto ang pahayag makaarang maglahad ng pagkadismaya ang ilang senador sa pagkakaluklok kay Arroyo bilang House speaker.

Paliwanag ni Sotto, ang hindi pagpabor ng ilang senador kay Arroyo ay nasa personal na lebel at hindi makaaapekto sa kabuuang pagtupad ng Senado sa trabaho nito.  | ulat ni Jojo Ismael