SP Sotto, sinabing dapat tanggapin ni VP Robredo ang pagiging co-chair ng ICAD

Dapat tanggapin ni Vice President Leni Robredo ang posisyon bilang co-chairperson ng Inter-Agency Committee on Anti Illegal Drugs (ICAD).

Ito aniya ay upang malaman ni Robredo at ng kanyang mga adviser na hindi dapat itigil ang war on drugs ng administrasyon.

SP Tito Sotto

Senate President Vicente Tito Sotto, sinabing dapat tanggapin ni Vice President Leni Robredo ang pagiging co-chairperson ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) upang malaman nitong hindi dapat itigil ang war on drugs. | via Nimfa Asuncion www.radyopilipinas.ph

Posted by Radyo Pilipinas on Tuesday, November 5, 2019

Giit ni Sotto, imbes na magsisihan ay dapat tumulong na lamang ang bise presidente sa pagsugpo sa problema ng ilegal na droga ng bansa.

Sinabi rin ng senate president, na hindi naman kailangang mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang suportahan ni Robredo.

Ang dapat aniya nitong suportahan at tulungan ay ang drug war para na rin sa kapakanan ng mga Pilipino.

Aminado si Sotto, na matagal masolusyunan ang problema sa ilegal na droga.

Pero bilang co-chairperson ng ICAD, makakatulong aniya si Robredo kung pagtutuunan nito ng pansin ang enforcement, prosecution, prevention, rehabilitation at ang ating international linkages.