SP Sotto, naniniwalang hindi makakapasa sa plenaryo ang SOGIE bill

Naniniwala si Senate President Vicente Sotto III na hindi makakalusot sa plenaryo ang Sexual Orientation and Gender Identity and Expression (SOGIE) bill.

Ayon kay Sotto, maraming tutol sa nilalaman ng SOGIE bill sa ngayon dahil masyado itong nakatuon sa iisang grupo ng lipunan.

Senate President Vicente Sotto III, naniniwalang hindi makakapasa sa plenaryo ang SOGIE Bill

PANOORIN | Senate President Vicente Sotto III, naniniwalang hindi makakapasa sa plenaryo ang SOGIE Bill. | via Nimfa Asuncion

Posted by Radyo Pilipinas on Wednesday, September 4, 2019

Sinabi rin ng senate president, ang ilan sa mga dahilan kung bakit hindi siya pabor sa SOGIE.

Isa na aniya ang pagiging isang class legislation ng SOGIE bill kaya maituturing itong unconstitutional.

Bukod pa riyan, ay natatapakan rin aniya nito ang karapatan ng mga kababaihan at nalalabag nito ang academic at religious freedom.

Mas pabor aniya si Sotto sa pagkakaroon ng isang bersyon ng anti-discrimination para sa lahat kasama ang edad, kasarian at kapasidad.

Ngayong araw, muling nagsagawa ng pagdinig ang Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality tungkol sa SOGIE bill, na dinaluhan ng mga pabor at kontra sa naturang panukalang batas.