SP Pimentel, aminado na maaaring ipagpatuloy pa rin ng ICC ang pag-aksyon sa reklamo laban kay Pangulong Duterte

Aminado si Senate President Koko Pimentel na maaaring ipagpatuloy pa rin ng International Criminal Court (ICC) ang pag-aksyon sa reklamo laban kay Pangulong Duterte.

Aminado si Senate President Koko Pimentel na maaaring ipagpatuloy pa rin ng International Criminal Court (ICC) ang pag-aksyon sa reklamo laban kay Pangulong Duterte.

Pero diin ni Pimentel, wala itong patutunguhan dahil hindi naman natin susundin sakaling ipag-utos ng ICC na ipaaresto ang ating Pangulo.

Paliwanag ng Senate President, matapos ang pagkalas ng Pilipinas mula sa Rome Statute, ang treaty na siyang nagtatag at kumikilala sa kapangyarihan ng International Criminal Court o ICC, wala na tayong obligasyon at pakialam sa anumang isasagawa nito.

Ang pahayag ni Pimentel ay taliwas sa pahayag ng mga taga-oposisyon at kritiko ng administrasyong Duterte.

Para kay Senate Minority Leader Franklin Drilon, hindi umano apektado ng pagkalas ng Pilipinas mula sa Rome Statute ang reklamong kinakaharap ni Pangulong Duterte sa ICC.

Ayon kay Drilon, malinaw ito na nakasaad sa Article 127 ng Rome Statute kung saan signatory ang Pilipinas simula pa noong 1998.

Paliwanag naman ng presidente ng Liberal Party na si Senador Kiko Pangilinan, base umano sa probisyon ng Rome Statute, ang pagkalas ng miyembro nito ay hindi makakapigil sa ICC na ituloy ang proseso kaugnay sa kaso laban sa Pilipinas. | via Jojo Ismael