Senate President Pimentel, aminado na hindi na nila kayang ipasa ang bersyon ng Senado ng BBL bill ngayong Marso

Aminado si Senate President Koko Pimentel na hindi na maipapasa ng Senado ang bersyon nito ng panukalang Bangsamoro Basic Law o BBL bago sila mag-adjourn sa March 24.

Aminado si Senate President Koko Pimentel na hindi na maipapasa ng Senado ang bersyon nito ng panukalang Bangsamoro Basic Law o BBL bago sila mag-adjourn sa March 24.

Sinabi ni Pimentel na kanya ng naipaalam kay Pangulong Rodrigo Duterte, sa kanilang meeting nung isang gabi, ang tungkol sa kanyang tinawag na accelerated timetable para sa BBL kung saan sa halip na kanilang mamadaliin ngayong Marso ang pagpasa sa hakbangin, ay kanilang bibigyan na muna ng sapat na panahon ang interpellation stage sapagkat ang kanilang tinatalakay ay isang landmark na panukalang batas.

Tiniyak ni Pimentel kay Pangulong Duterte na sa kanilang accelerated timetable, target nilang maipasa ang Senate version ng BBL bill sa buwan ng Mayo o sa kanilang pagbabalik sesyon sa May 14.

Una rito, sinabi ni BBL Subcommittee Chair Senador Migz Zubiri na sisikapin nilang maipasa sa buwan ng Mayo ang nasabing panukalang batas, at kanilang hihikayatin ang Kamara na ipasa rin ang kanilang bersyon upang ito’y kanilang mapag-isa sa Bicam bago mag-adjourn ang Kongreso sa June 1.

Nais kasi ni Senador Zubiri na maisama na ng Pangulong Duterte sa kanyang ulat sa State of the Nation Address o SONA sa buwan Hulyo ang lubusan nang pagsasabatas ng BBL. | via Jojo Ismael