Sotto, Lacson, Pimentel, Zubiri perfect attendance sa Senado; Trillanes no.1 sa absent

Apat na senador ang nakapagtala ng perpektong attendance sa 79 na session days ng nagsarang 2nd regular session ng ika-17 Kongreso.

Ang apat na senador na may perfect attendance ay sina Senate President Tito Sotto, Majority Leader Migz Zubiri, Senador Ping Lacson, at Senador Koko Pimentel.

Wala ring naitalang late sina Sotto at Lacson.

Samantala, may pinakamaraming beses na pagliban sa plenary session si Senador Antonio Trillanes IV.

Limamput’dalawang (52) sesyon lang ang kaniyang nadaluhan dahil nagkaroon umano ng official mission sa abroad na sumakto sa 23 session days, 20 araw dito ay sa abroad, 3 dito sa bansa.

Nakatala rin na absent sa lahat ng sesyon si Senadora Leila De Lima na nakakaloboso dahil sa drug cases.

Samantala, isang beses lang na lumiban sa sesyon sina Senate Minority Leader Franklin Drilon, Sen. Nancy Binay, Sen. Gregorio Honasan at Sen. Risa Hontiveros.

Dumalo naman sa 77 sesyon sina Sen. Joel Villanueva at Sen. Cynthia Villar.

Present si Sen. Grace Poe sa 76 sesyon, si Sen. Sherwin Gatchalian sa 74 habang dumalo si Sen. Richard Gordon sa 73 at si Sen. JV Ejercito sa 71.

Batay sa record ng Bills and Index Section ng kapulungan, dumalo si Sen. Loren Legarda sa 70 sesyon habang ito ang nakatala ukol sa ibang senador: Sen. Ralph Recto, 69; Sen. Bam Aquino, 68; Sen. Sonny Angara, 67; Sen. Chiz Escudero, 66; Sen. Kiko Pangilinan, 65 at Sen. Manny Pacquiao 65. | ulat ni Jojo Ismael