Sogo Hotel demolition, nakitaan ng maraming paglabag – DOLE

Planong ipatawag ngayon ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang may-ari ng ginigibang gusali ng SOGO at ang contractor ng demolition project kasunod ng nangyaring insidente noong Lunes na ikinimatay ng dalawang manggagawa doon.

Ayon kay DOLE Asec. Benjo Benavidez, plano nilang ipatawag bukas ang Golden Breez Realty Inc., na may ari ng gusali at ang Fabellon Construction and Development Corporation, na siya namang contractor ng demolitin project upang humarap sa gagawing pagdinig

Ito ay matapos makitaan ng mga paglabag sa occupational safety and health standards ang demolition project matapos magpadala ang DOLE ng labor inspector doon.

Ayon kay Benavidez, napag-alamang wala umanong safety officer sa lugar nang manyari ang insidente, wala rin certified first-aider sa lugar

Nadiskubre din na expired na ang demolition permit na inisyu ng DOLE-NCR sa contractor nang mangyari ang insidente, batay kasi sa nasabing demolition project, magtatagal lang ito mula July 22 hanggang September 22.

Nangyari ang insidente noong September 23, Lunes, kaya malinaw na lumabag sa patakaran ang contractor at principal ng gusali.

Maaaring mapatawan ang contractor at principal ng kasong adminsitratibo, na maaaring humantong sa pagkansela o suspension ng lisensya ng contractor, at pagmultahin ng hindi bababa sa P100,000 sa bawat kaso.

Samantala, nag-isyu na ang DOLE ng work stoppage order laban sa demolition project sa nasabing gusali sa Maynila.