SOGIE bill, malabong makapasa sa Senado kung masasagasaan ang karapatan ng iba

Nilinaw ni Senate President Vicente Sotto III na malabo ang tiyansang makapasa sa Senado ang Sexual Orientation and Gender Identity and Expression (SOGIE) Equality bill, kung masasagasaan nito ang academic at religious freedom at maging ang karapatan ng mga kababaihan.

Una nang sinabi ni Sotto, na maaari pang makapasa ang Anti-discrimination sa lahat ng uri ng tao at hindi lamang sa mga miyembro ng LGBTQ community.

Giit ng senate president, redundant na ang nilalaman ng SOGIE bill, dahil ang mga krimen na tinutukoy dito ay nakapaloob na sa ilang mga batas gaya ng magna carta for women, women and children abuse act at sa revised penal code.

Sinabi rin ng senador, na sakaling aprubahan na agad ng Committee on Women ang panukalang batas at iakyat agad sa plenaryo matapos lamang ang ilang pagdinig ay hindi nila ito tatanggapin.

Paliwanag ni Sotto, ipababalik nila ito muli sa committee level dahil kulang ang panig na inimbitahan sa mga pagdinig.

Dapat muna aniyang imbitahan at pakinggan ng komite ang nga grupong tutol sa pagpapasa ng SOGIE bill, gaya ng ilang women’s group at religious groups.