SK officials mula sa iba’t ibang distrito ng Maynila, nakapanumpa na

Nanumpa na ang mga Sanggunian Kabataan officials sa harap ni Manila Mayor Isko Moreno.

Pagkatapos nilang manumpa, isa isa namang nilagdaan ng alkalde ang kanilang oath of office.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, nakarating sa kanilang kaalaman na may mga opisyal pala ng SK ang hindi parin nakakapanumpa sa pwesto, kahit na noong nakaraang taon pa sila nanalo at nagsimula sa trabaho.

Masaya naman ang mga nanumpang SK officials dahil maituturing ng legal ang kanilang panunungkulan sa pwesto.