Sitwasyon sa Datu Paglas, under control na ng militar

Nilinaw ni 6th Infantry Division Commander MGen. Juvymax Uy na hindi
nilusob ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang bayan ng Datu Paglas, Maguindanao tulad ng unang mga lumabas na balita.

Paliwanag ng heneral, may ongoing operation ang militar sa tinatawag na SPMS box (Shariff Aguak, Pagatin/Datu Saudi, Mamasapano, Salibo) kung saan tinutugis ng mga tropa ng 601st brigade ang grupo ng BIFF.

Habang umaatras aniya ang grupo ng BIFF, napadaan lang ang mga ito palengke ng Datu Paglas at kumuha ng mga supply ng pagkain, nagpaputok at nag-iwan ng improvised explosive devices.

Ayon sa heneral, Hindi totoo na pinasok ang munisipyo at walang nangyaring hostage taking tulad ng ilang mga ulat sa social media.

Sa ngayon aniya ay walang casualties sa panig ng militar at sibilyan, bagama’t may apat na inevacuate na naka-stretcher na hindi pa na-identify.

Tiniyak ng heneral na kontraldo ng militar ang sitwasyon, at ongoing ang clearing operations.