Singil sa kuryente, posibleng tumaas muli ngayong May

Pinangangambahang tumaas muli ang singil sa kuryente ng Manila Electric Company (Meralco), ngayong May.

Ayon sa Meralco, malaki ang posibilidad na tumaas ang power rates ngayong buwan dahil sa pagnipis na ng suplay ng kuryente sa Luzon grid.

Nagkaroon din aniya ng upward adjustment sa gas repricing, na inaasahang makakapaekto rin sa generation charge.

Natapos na rin ang unang round ng refund na iniutos ng Energy Regulatory Commission (ERC) sa Meralco, kaya wala nang aasahang payback ang mga customer sa kanilang May bill.

Nauna nang pinalawig ng MERALCO ang no disconnection policy nito hanggang May 14, sa mga lugar na NCR Plus bubble, kung saan umiiral ang modified enhanced community quarantine.