Singaporean businessmen, mataas ang interes na maglagay ng negosyo sa Pilipinas 

Mataas ang interes ng mga negosyanteng Singaporean na maglagak ng kanilang pamumuhunan sa Pilipinas.

Ito ang sinabi Philippine Ambassador to Singapore Joseph del Mar Yap, na nagpahayag na sa katunayan ay bumuo pa sila ng tatlong delegasyon na tutungo ng Pilipinas at doon ay pag-aralan ang iba’t-ibang oportunidad sa pamumuhunan.

Ayon kay Ambassador Yap, nais samantalahin ng Singaporean businessmen ang malakas na consumer market na nakita sa hanay ng middle class.

Patuloy ang pagpalo ng gross domestic product o GDP ng hanggang higit sa anim na porsiyento at target pang mapataas ito.

Dagdag ni Yap, na nakausap nga niya kamakailan lamang ang Enterprise Singapore, isang government agency sa Singapore na nagtataguyod sa mga Singaporean companies, na maglagak ng negosyo sa ibang bansa at nagsabing nais maglagay ng puhunan sa Pilipinas ang ilang mga negosyante doon dahil na din sa nakikitaang potensyal ng Philippine economy. | ulat ni Alvin Baltazar