Singapore, isinusulong ang Smart Cities Network concept sa pagtatapos ng chairmanship nito sa ASEAN

Nais ng Singapore na magtatag ng network na tatawaging Smart Cities.

Layunin nitong magtulungan ang mga siyudad ng iba’t-ibang mga bansa, sa larangan halimbawa ng traffic management at crime prevention gamit ang makabagong teknolohiya, camera at maging artificial intelligence.

Sa konsepto ng Smart Cities Network na isinusulong ng Singapore, tatlong siyudad ng isang bansa ang ino-nomina bilang participating cities na siyang magbabahagi ng kanilang kasanayan hinggil sa nabanggit na mga larangan.

Lalabas na sa ilalim ng Smart Cities concept, ang bawat bansa ay magkakaroon ng collaboration, comparing notes at pamamahagi ng mga kasanayan nito, kung pag-uusapan ay ang patungkol sa usapin ng peace and order, traffic at iba pa.

Kaugnay nito’y sinabi ni Philippine Ambassador to Singapore Joseph del Mar Yap, na ang mga siyudad na nominado upang mapabilang sa isinusulong na konsepto ay ang Manila, Cebu at Lungsod ng Davao.  | ulat ni Alvin Baltazar

Photo courtesy: RTVM