Show cause order ng House Committee on Franchise, maituturing na basura lamang — Atty. Gadon

Tinawag na basura ni Atty. Larry Gadon ang show cause order na inilabas ng House Committee on Legislative Franchises laban sa National Telecommunications Commission (NTC).

Sa isang statement, sinabi ni Atty. Gadon na walang batayan ang gustong mangyari ng Kamara na bigyan ang ABS-CBN ng provisional authority dahil lalabagin nito ang batas.

Paliwanag pa ni Gadon, ang inilabas na resolusyon ng Kamara ay hindi puwedeng mangibabaw sa batas na nagtatakda na hindi maaaring bigyan ng PA ang isang TV Network kung wala itong existing na valid franchise.

Malinaw aniya na pambabastos ang ginagawa ng Kamara dahil nilalabag nito ang doktrina ng separation of powers o pinanghihimasukan ang kapangyarihan ng executive branch.

Gayunman, alang-alang sa diwa ng inter-parliamentary courtesy, maari pa rin aniyang sumagot ang NTC sa show cause order.

Pero, kinakailangang igiit ng NTC na paso na ang prangkisa kaya nawala na ang karapatan ng TV network sa ibinigay sa kanilang frequency