Shortlist para sa mababakanteng posisyon ni Senior Associate Justice Antonio Carpio, isinumite na sa Pangulo

Isinumite na ng Judicial Bar Council (JBC) ang shortlist ng pagpipilian ni Pangulong Rodrigo Duterte na mga nominee para sa mababakanteng posisyon ni Senior Associate Justice Antonio Carpio.

Kabilang sa mga pangalang isinumite sa shortlist ay sina:

1. Barrios, Manuel Mejorada
2. Delos Santos, Edgardo Lao
3. Dimaampao, Japar Baby
4. Garcia, Ramon Del Rosario
5. Lopez, Jhosep Ylarde
6. Marquez, Jose Midas Pascual
7. Perez, Pablito Alhambra
8. Rosario, Ricardo De Rivera
9. Singh, Maria Filomena Dumandan

Isinama sa isinumite ng JBC ang curriculum vitae ng mga aplikante.

Dumaan ang nasabing mga aplikante sa mabusising pagsasala ng JBC, at maaring pagpilian sa babakantehing posisyon ni Carpio, na magreretiro sa October 26.

Matatandaang umabot sa 28 ang mga aplikanteng naghain ng kanilang nominasyon, para masala at pagpilian ng JBC para sa nasabing mababakanteng posisyon sa Korte Suprema.