Shipbuilding industry sa bansa, palalakasin ng JICA ayon sa MARINA

Lalo pang pagtitibayin ng Maritime Industry Authority (MARINA) ang pakikipagtulungan sa Japan International Cooperation Agency (JICA) para mapalakas ang industriya ng paggawa at pagsasaayos ng barko sa Pilipinas.

Ayon kay MARINA Administrator Rey Leonardo Guerrero, magbibigay aniya ang
 JICA ng technical assistance at expertise ukol dito.

Tiwala si Guerrero na malaki ang maitutulong nito para 
sa pagtataguyod at pagpapaunlad ng industriya ng paggawa ng barko.

Tiniyak naman ni JICA Senior Representative Tetsuya Yamada na tutulungan nila ang MARINA lalo na sa pagbuo ng standard design para sa locally made ships.

Bukod  pa dito, magbibigay suporta ang JICA sa implementasyon ng 10 taong Maritime Industry Development Plan ng MARINA, na gagabay sa local shipbuilding at ship repair industry na globally-competitive at technologically-responsive.

Nangako pa ito na magpapadala ng mga Japanese experts na magtuturo sa MARINA sa pagbuo ng retirement criteria para sa mga lumang barko sa bansa.

Sa ngayon ang MARINA ay nasa proseso ng pagbalangkas ng rules and regulations na tutugon sa tumataas na bilang ng obsolete vessels na nag-ooperate pa rin. | ulat ni Rey Ferrer