Senior citizens, pinalalahanan na huwag kaligtaan ang 2nd dose ng kanilang COVID-19 vaccine

Umapela si Senior Citizen Party-list Rep. Rodolfo Ordanes sa mga senior citizen na huwag kaligtaan ang 2nd dose ng kanilang COVID-19 vaccine.

Kasunod na rin ito ng naitalang bilang ng mga Pilpino na hindi nabakunahan nang kanilang 2nd dose ng bakuna.

Paalala ng kinatawan sa mga nakatatanda, mahalaga ang second dose upang ganap na maproteksyunan mula sa COVID-19.

Pagtitiyak pa nito na sakaling hindi nakapunta sa nakatakdang schedule ng 2nd dose ay maaari pa rin magpabakuna ayon mismo sa Department of Health.

Muli namang nanawagan si Ordanes sa pamahlaan na payagan nang makalabas ang mga seniors na fully-vaccinated na.

Aniya, kung ang iba na hindi pa nababakunahan, may comorbidity man o wala, ay nakakalabas ay dapat ring payagan ang mga fully-vaccinated seniors na nagtiwala sa siyensiya ng pagbabakuna.