Senior citizens, hindi papipilahin sa Ivermectin Pan-Three

Mga representative o kinatawan ng senior citizens ang papipilahin sa ikinasang Ivermectin Pan-Three ngayong araw.

Ayon kay ANAKALUSUGAN Rep. Mike Defensor, minabuti nila na kinatawan na lamang ang pumila para sa pag-fill up ng prescription na kailangan para makakuha ng libreng Ivermectin para sa kaligtasan ng mga senior citizen.

Bago ito, may paunang form na rin na pinamahagi sa Matandang Balara kung saan ilulunsad ang inisyatiba upang maiwasan ang mahabang pila at masunod pa rin ang minimum health safety protocol.

Napili ng ANAKALUSUGAN at SAGIP Partylist ang naturang barangay dahil ito ang isa sa may pinakamataas na COVID-19 case sa Quezon City.

Sa mga susunod na distribusyon ay ipapamahagi kada bahay ang form para sa prescription na siyang isusumite sa compounding laboratory na gagawa ng Ivermectin.

Umaasa naman si Defensor na sa hinaharap ay papayagan na ng Department of Health at Food and Drug Administration ang mass distribution o pagiging over the counter ng Ivermectin para magkaroon ng access ang mga higit na nangangailangan.(voice clip