Send off ceremony sa mga tropa na ide-deploy sa Bangsamoro plabiscite, isasagawa ngayong umaga sa Maguindanao

Isasagawa ngayong alas-10:00 ng umaga ang send-off ceremony para sa mga tropa na ide-deploy sa security operations para sa idaraos na Bangsamoro Organic Law (BOL) Plebiscite sa Lunes.

Ang seremonya ay isasagawa sa headquarters ng 6th Infantry Division sa Camp Siongko Awang Dos, Maguindanao.

Ito’y pangungunahan ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General  Benjamin Madrigal, Philippine National Police (PNP) Chief Director General Oscar Albayalde at Comelec chairman Sherwin Abbas.

Dadalo din sa palatuntunan sina Defense Secretary Delfin Lorenzana, Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, National Security Adviser Hermogenes Esperon, at Presidential Peace Adviser Carlito Galvez Jr.

Kahapon ay pinangunahan din ng lahat ng nabanggit na mga opisyal ang “miting de avance” para sa BOL Plebiscite na ginanap naman sa Mindanao State University Campus sa Jolo, Sulu.

Una nang sinabi ni Madrigal na 10,000 sundalo ang ide-deploy ng AFP para sa seguridad ng plebisito, habang sinabi naman ni Albayalde na karagdagang isang batalyon ng Special Action Force (SAF) ang kanilang ipadadala bilang augmentation force sa mga pulis na naka-deploy sa plebisito.  | ulat ni Leo Sarne