Senators: Mga frontliner ang pandemic heroes ng bansa

Bukod kay Health Secretary Francisco Duque III, sinabi ng mga senator na marami pang mga bayani ang ating bansa, sa hinaharap nating laban sa COVID-19 pandemic.

Ayon kay Senate President Vicente Sotto III, ang mga frontliner ang maituturing na mga bayani.

Sinabi naman ni Senator Sherwin Gatchalian, na ang pagtugon sa pandemya ay isang team effort at marami ang nag-ambag para dito, gaya na lang nina Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., Secretary Vince Dizon at lahat ng mga medical frontliners.

Para naman kay Sen. Grace Poe, na ang totoong pandemic heroes ay ang mga matatapang na manggagawang isinusugal ang kanilang mga buhay para sa ibang tao.

Giit ni Poe, dapat ring kilalanin ang pagsisikap at katatagan ng ating mga frontliner, at ang paraan upang masuklian ito ay ang pagkakaroon ng epektibong pamamahala at social services, na mararamdaman ng lahat lalo na ng vulnerable sector ng lipunan.