Senator Poe, naghain ng ‘no homework’ bill

Mayroon na ring bersyon ng ‘no homework’ bill sa Senado. Iyan ay sa Senate Bill 966, na inihain ni Senator Grace Poe.
Sa bersyon ni Poe, pinagbabawalan ang mga guro sa mga pampubliko at pribadong paaralan na magbigay ng homework tuwing weekend sa mga estudyanteng nasa kinder hanggang grade 12.
Nakasaad rin dito na bagamat maaaring magbigay ng homework tuwing weekday, kailangan naman na minimal lang ito at kaya lamang matapos sa loob ng apat na oras.
Layon ng pagbabawal ng homework tuwing weekend, na tiyakin ang kapakanan at kalusugan ng mga guro at estudyante, gayundin ang kanilang karapatan para sa balanseng pamumuhay.
Mayroon na ring ‘no homework’ bill na inihain sa Kamara sina Sorsogon Representative Evelina Escudero at Quezon City Representative Alfred Vargas.