Senate President Pimentel, sang-ayon sa ginawa ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagkalas sa Rome Statute

Tuwirang sinabi ni Senate President Koko Pimentel na tama ang ginawa ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagkalas sa Rome Statute, ang Treaty na siyang nagtatag at kumikilala sa kapangyarihan ng International Criminal Court o ICC.

Ayon kay Pimentel, maganda ang mensahe ng hakbang ng Pangulo laban sa pag-abuso ng ICC sa diskresyon nito.

Diin ni Pimentel, mali na pinatulan ng ICC ang walang basehang reklamo laban kay Pangulong Duterte na inihain ng kung sinu-sinong pulitiko lamang.

Dagdag pa ni Pimentel, hindi dapat nakikialam ang ICC sa panloob na polisiya ng bansa lalo na sa pagpapatupad ng batas laban sa iligal na droga.

Nabanggit din ng Senate president na makaraan ang pagkalas mula sa Rome Statute, ang bansa ay balik na sa status kung kailan ay hindi na tayo miyembro.

Sabi naman ni Senate Majority Leader Tito Sotto, hindi naman malinaw kung ano ang napala ng Pilipinas sa pagiging signatory sa Rome Statute at marami namang bansa ang hindi kasama dito tulad ng Amerika. | via Jojo Ismael