Sen. Zubiri, pinayuhan ang pamahalaan na magpadala ng mas maraming barko para magbantay sa karagatang sakop ng PH


Dapat magpadala ang Pilipinas ng mas maraming barko sa mga bahagi ng karagatang sakop ng ating bansa ayon kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri.

Ito aniya ay upang maiwasan na ang pagpasok ng mga dayuhang barko sa ating teritoryo ng walang paalam.

Ayon kay Zubiri, ang hakbang na ito ay makakatulong na maisakatuparan ang utos ng Pangulong Rodrigo Duterte na kailangang makakuha muna ng clearance ang mga foreign vessel na dadaan sa ating teritoryo.

Giit ng senador, suportado niya ang utos ng Pangulo dahil dapat ay tinatrato at nirerespeto tayo bilang isang soberenyang bansa.

Bukod sa mga barko ay dapat ring magpadala ang gobyerno ng surface radar na kayang makatukoy ng anumang pagpasok sa loob ng ating teritoryo.