Senate employees, sinimulan ng bakunahan vs. COVID-19 — SP Sotto

Nasa 200 empleyado na ng Senado ang nabakunahan kontra COVID-19, ayon kay Senate President Vicente Sotto III.

Ayon kay Sotto, noong nakaraang Biyernes nila sinimulan ang pagbabakuna sa mga senate employee, na pasok sa A2 at A3 category o ang mga health worker, senior citizens at empleyado nilang may comorbidity…

Nasa 190 ang tapos nang bakunahan, habang ang sampu ay babalik pa dahil nakitaan sila ng mataas na blood pressure noong Biyernes.

Sinovac COVID-19 vaccine ang ginamit na bakuna sa unang batch ng mga senate employee, at ito rin aniya ang gagamitin muli sa second batch ng pagbabakuna bukas.

Sinabi naman ng senate president, na sa Lunes, May 10, ay sisimulan na nila ang pagtuturok ng Sputnik V COVID-19 vaccine sa iba pa nilang mga empleyado.

Pagdating naman sa kanyang COVID-19 vaccination, sinabi ni Sotto, na sa ngayon ay wala pa siyang schedule ng pagpapabakuna.