Prosekyuson, tinatamamad na kumalap ng mga ebidensya sa pork barrel scam kaya ikinonsidera na gawing state witness si Napoles — Sen. Grace Poe

Tuwirang sinabi ngayon ni Senadora Grace Poe na tinatamad lang ang prosekyuson na kumalap ng mga ebidensya kaugnay sa pork barrel scam kaya ikinukonsidera na gawing state witness si Janet Lim Napoles.

Diin ni Senadora Poe, mahirap masanay sa pagdepende na lamang sa testimonya ng mismong kriminal upang pagtakpan ang kawalang abilidad ng gobyernong lumikom ng ebidensya at magpalakas ng kaso.

Paalala ni Senadora Poe, ang Witness Protection Program o WPP ng gobyerno ay para proteksyunan at ingatan ang mga kwalipikadong testigo.

Ani Poe, siya’y nagtataka kung bakit ikinonsidera ang pagsailalim kay Napoles sa WPP gayung lumalabas na siya ang diumano’y most guilty at binansagan pang pork barrel queen.

Ipinunto pa ni Poe na lahat ng mga ebidensya laban kay Napoles ay naging daan din para makulong ang iba pang bigating personalidad at mga opisyal ng pamahalaan. | via Jojo Ismael