Senador Drilon, nais na maisama ang isang probisyon na tuwirang magbabawal sa political dynasty sa panukalang Bangsamoro Basic Law o BBL

Sa kanyang panawagan, tinukoy ni Drilon ang kahirapan na dinaranas sa mga lalawigan sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) na pimamahalaan ng iilang pamilyang nasa pulitika.

Iginiit ngayon ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang maagang pagpasa ng panukalang anti-political dynasty law, at isama rin ang isang probisyon sa panukalang Bangsamoro Basic Law o BBL na tuwirang magbabawsal sa political dynasty.

Sa kanyang panawagan, tinukoy ni Drilon ang kahirapan na dinaranas sa mga lalawigan sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) na pimamahalaan ng iilang pamilyang nasa pulitika.

Aniya sa isang pag-aaral na isinagawa ni Dean Ronald Mendoza ng Ateneo School of Government, tatlong lalawigan sa ARMM ang tinukoy na umano’y pinakamahihirap na mga lugar na kinabibilangan ng Lanao del Sur, Maguindanao at Sulu.

Sinabi ni Drilon, na malinaw na ipinakita sa nasabing pag-aaral ang relasyon sa pagitan ng kahirapan at political dynasty.

Ayon kay Drilon, sa pag-aaral ni Dean Mendoza, lumitaw na 81 percent ng mga governor, 78 percent ng mga congressmen, 69 percent ng mga mayors at 57 percent of vice mayors ay mula sa political clans.

Ang balangkas ng panukalang BBL ay kasalukuyang tinatalakay sa plenaryo ng Senado, kung saan nilalayon ng panukalang hakbangin na mapalitan ang kasalukuyang ARMM. | via Jojo Ismael