Senado, tiniyak na bubusisiing mabuti ang 2020 nat’l budget

Tiniyak ni Senate Finance Committee Chairperson Senador Sonny Angara na bubusisiin nilang mabuti ang panukalang 2020 national budget na aaprubahan at isusumite sa kanila.

Sinabi ito ni Angara matapos ang naging pahayag ni Representative Joey Salceda tungkol sa tig P100-million na alokasyon aniya ng mga kongresista na nakapaloob sa 2020 budget.

Giit ni Angara, okay lang ito sa kanya basta’t alinsunod ito sa nakasaad sa konstitusyon at sa ruling ng Korte Suprema tungkol sa disbursement allocation program (DAP).

Samantala, kumpiyansa si Angara na on time nilang maipapasa ang 2020 General Appropriations Bill (GAB).

Inatasan na ng senador ang lahat ng vice chair ng finance committee, na tapusin ang mga pagdinig sa budget ng lahat ng ahensya at isumite ito bago magbreak ang sesyon ngayong Oktubre.

Inaasahang ngayong araw ay maipapasa na ng kamara ang panukalang pondo ngayong araw at sa susunod na linggo ay inaasahang maisusumite na ito sa senado.