Senado, nagpasa ng resolusyon upang kilalanin ang dedikasyon ng mga guro

Nagpasa ng resolusyon ang Senado upang bigyang pugay ang mga guro sa buong bansa.

Hinain ito ng mga senador bilang bahagi ng paggunita ng World Teachers’ Day sa October 5.

Sa Senate Resolution 142 nina Senador Ramon Bong Revilla Jr., Sherwin Gatchalian at Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, kinikilala ang kontribusyon ng mga guro sa paghubog ng mga future leader ng bansa.

Kasabay ng adoption sa naturang resolusyon ay nangako ang senado na patuloy nilang isusulong ang interes at kapakanan ng mga guro sa Pilipinas.

Kabilang na dito ang pagpasa ng panukalang batas upang mapataas ang sweldo ng mga guro.