Senado, mag-iimbestiga sa proseso ng DENR sa pag-apruba ng application ng Environmental Compliance Certificates sa Boracay

Sa Senate Resolution No. 646 ni Senador Joel Villanueva, hiniling ang pag-iimbestiga ng tamang komite ng Senado sa mga isyung kinasasangkutan ng Boracay Island kung saan may ilang establisimyento sa isla ang nadiskubreng hindi tumatalima sa mga umiiral na batas pangkalikasan.

Magsasagawa ang Senado ng sariling imbestigasyon sa proseso ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa pag-apruba sa application ng Environmental Compliance Certificates o ECCs.

Sa Senate Resolution No. 646 ni Senador Joel Villanueva, hiniling ang pag-iimbestiga ng tamang komite ng Senado sa mga isyung kinasasangkutan ng Boracay Island kung saan may ilang establisimyento sa isla ang nadiskubreng hindi tumatalima sa mga umiiral na batas pangkalikasan.

Una ng iniulat ng DENR na may 300 establisimyento sa Boracay ang padadalhan ng notice of violation at isasailalim sa pagrebyu ng regional office ng ahensya.

Sa resolution, iginiit ni Villanueva ang pagrebyu sa isinasagawang environmental impact assessment at ang approval process ng DENR sa mga application para sa ECCs.

Inirekomenda ni Villanueva ang pagseguro na ang mga ibinibigay na ECCs sa anumang proyekto ay hindi magdudulot ng pinsala o pagkasira sa kalikasan at hindi magiging bahagi ng dahilan ng paglala ng climate change.

Tinukoy ng mambabatas na ang paglipana ng mga pribadong estrablisimyento sa Boracay Island at ang mahinang monitoring at pagpapatupad ng mga environmental laws ay nagresulta na sa malawakang pagkasira ng kapaligiran sa isla. | via Jojo Ismael