Senado, balik-sesyon ngayong araw

Simula ngayong araw, balik sesyon na ang Senado matapos ang dalawang buwang bakasyon ng mga senador. Ito ang ikalawang regular session ng ika-17 Kongreso.

Nangako ang liderato ng Mataas na Kapulungan na kanilang tatapusin ang priority bills na magsimumula ngayong araw, Mayo 15 hanggang sa Hunyo 1 ngayong 2018.

Ayon kay Senate Majority Leader Tito Sotto, sisikapin ng Senado na maipasa ang 24 na priority bills na kabilang sa legislative agenda ng mga senador.

Nangunguna sa listahan ang panukalang Bangsamoro Basic Law o ang Senate Bill No. 1717, ang panukalang batas na magtatatag ng Bangsamoro Autonomous Region kapalit ng kasalukuyang Autonomous Region for Muslim Mindanao o ang ARMM.

Isasaprayoridad din ang panukalang Charter Change, ang panukalang pagpapalit ng porma ng gobyerno tungo sa Pederalismo, ang Senate Bill No. 1715 o ang panukalang Prevention of Terrorism Act of 2017 at iba pa. | via Jojo Ismael