Sen. Zubiri tiniyak sa mga taga-Albay na matatapos ang multi-bilyong Bicol Int’l Airport sa loob ng termino ng Pangulo

Tiniyak ni Sen. Migz Zubiri sa pagdating sa Lungsod ng Legazpi sa okasyon ng Bicol-Albay Arnis Club na matatapos ang P5 bilyong pisong Bicol International Airport sa loob ng termino ng Pangulong Duterte.

Isa siya sa nagtataguyod para matapos ang proyektong magbubukas ng pintuan sa Albay at Bicol sa buong mundo.

Sinabi nito, na bawat taon may pondo ang proyekto sa General Appropriations Act o GAA, kasama ito sa priority projects ng kasalukuyang administrasyon bilang Regional Airport.

Binigyan-diin ni Zubiri na mas mauuna itong matapos kumpara sa Naga Airport.

Binanggit din niya na malapit ng magsimula ang patrabaho sa Philippine National Railways mula Tutuban hanggang Matnog Sorsogon na siyang susi ng murang pamasahe ng mga Bicolano.

Inilahad din ng mambabatas, ang mga proyektong kanyang pinondohan sa Albay, kabilang sa mga ito ay sa bayan ng Guinobatan, Polangui, Libon at Taysan, Legazpi.

P10 milyong pisong pondo ang kanyang inilaan sa Permanent Relocation site sa Legazpi sa 2019. 

Kaakibat nito, sa susunod na taon, ilulunsad niya ang “One-Town, One-Project sa Albay, ang bawat proyekto ay may halagang P1 hanggang P3 milyong piso.

Binigyan-diin ni Zubiri, mahal niya ang Albay dahil sa taga-Libon, Albay ang kanyang nanay — ang ‘pamilya Fernandez’, sinabi niyo na “Patuloy ang kanyang pagmamahal sa lalawigan.”  | ulat ni Nancy Midiavillo