Sen. Villanueva, pinuri ang pagkapanalo ng Philippine basketball team na San Miguel Alab Pilipinas sa ABL

Pinuri ngayon ni Senador Joel Villanueva  ang Philippine basketball team, na San Miguel Alab Pilipinas sa kanilang pagkapanalo ng ASEAN Basketball League (ABL) title.

Ayon kay Villanueva, na Vice Chairman ng Senate Committee on Sports, ang tagumpay ng San Miguel Alab Pilipinas ay isa namang katibayan na ang talento ng mga Pilipino ay pang-world Class.

Sa pamamagitan ng iskor na 102 –92, tinalo ng San Miguel Alab Pilipinas ang nakatunggali nitong Mono Vampire basketball team ng bansang Thailand sa game 5, na idinaos sa Sta. Rosa Multipurpose Complex, Sta. Rosa City, Laguna kagabi.

Diin ni Villanueva, binigyan ng San Miguel Alab Pilipinas team ng dahilan ang bawat Pilipino para ipagmalaki sa buong mundo na sila’y mga Pilipino.

Aniya ang tagumpay ng  Philippine basketball team ay tanda ng pagsisikap, determinasyon at pagkadakila ng ating mga manlalarong Pilipino. | via Jojo Ismael

Photo courtesy: https://bit.ly/2HJvucu