Sen. Recto, suportado ang utos ng Pangulo na pagbili ng P20-B halaga ng gamot na ipadadala ang malaking bahagi nito sa probinsya

Suportado ni Senate President Pro-Tempore Ralph Recto ang plano ng MalacaƱang na bumili ng nasa P20-bilyong pisong halaga ng mga gamot at ang pagpapadala ng 80-porsyento nito sa mga probinsya.

Ayon kay Recto, nakapaloob ang planong ito sa message ni Pangulong Rodrigo Duterte na nakalakip sa isinumiteng proposed P4.1-trillion pesos 2020 National Budget na ipinadala sa Kongreso kahapon.

Ayon kay Recto, tama ang ginawang prescription na ito ng Pangulo, lalo’t sa mga probinsya mayroong mataas na kaso ng pagkakasakit.

Nangangahulugan aniya itong natuto na ang gobyerno at maiiwasan na ang overstocking ng mga malapit nang mag-expire na gamot sa warehouse ng Department of Health (DOH).

Dalawampung porsyento ng panukalang P92.2-billion pesos budget allocation para sa DOH ang ilalaan para sa pagbili ng mga gamot.

Paalala ni Recto sa mga opisyal ng DOH na hindi na dapat maghintay ng susunod na taon para sumunod sa utos ng Pangulo.

Dapat aniya ay kung gaano kabilis ang epekto ng gamot ay ganiton rin dapat kabilis ang pagmimigay nito sa mga kababayan nating nangangailangan.