Sen. Recto, suportado ang utos ng Pangulo na kumuha muna ng permit ang foreign vessels na dadaan sa ating teritoryo

Nagpahayag ng suporta si Senate President Pro Tempore Ralph Recto sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na kailangan munang kumuha ng permit mula sa pamahalaan ng Pilipinas ang sinumang dayuhang barko na dadaan sa teritoryo ng Pilipinas.

Ayon kay Recto, tama lang ang desisyon ng Pangulo, dahil kung pinaparusahan nga natin ang mga jaywalker at mga sasakyang out of lane ay dapat rin tayong magdemand ng parehong pagsunod sa batas mula sa mga barkong dumadaan sa ating teritoryo.

Kung ang mga lokal na barko nga ay kinakailangang maagang magpasabi ng kanilang dadaanan, dapat ay pareho rin ang gawin ng mga dayuhan.

Giit ni Recto, hindi naman bago ang hinihingi ng Pilipinas.

Hinihiling lang aniya nating mula sa ating bansa, ang respeto na dapat nilang ibigay alinsunod na rin sa nakasaad sa international laws.