Sen. Recto, ipinanukala ang pagpo-promote ng reopening ng Boracay

Para kay Senate President Pro Tempore Ralph Recto, ang hamon ngayon sa communications team ng gobyerno ay ang pag-po-promote ng reopening ng Boracay island, upang ito’y maisalin sa karagdagang hotel at flight bookings ng mga turistang nag-aabang ng pagbubukas muli ng tanyag na beach island.

Sinabi ni Senator Recto, na maaaring gamitin ng gobyerno ang P1.15 bilyong advertising budget ng Department of Tourism (DOT) para sa taong 2018, para sa paglulunsad ng isang promo blitz ng pagbubukas muli ng Boracay sa mga malalaking tourism market ng bansa tulad ng China, Korea at Japan.

Ani Recto, ang Boracay ay may malaking tagahanga sa buong mundo na maaaring maengganyo muling bumisita sa isla. Pero kung paano gagawin, ito ay trabaho hindi lang ng pamahalaan, kundi pati ng private sector, dagdag ng mambabatas.

Maaari umanong mapakinabangan ng gobyerno ang pagkamalikhain ng mga Pilipino, na nabibilang sa pinakamalakas na gumamit ng social media sa buong mundo.

Wika ni Recto, ang mga Pilipino ay magaling gumawa ng memes, at ito umano’y maaring gawin para sa Boracay. Pero yung positive, para maengganyo ang mga turista na bumalik pagkatapos ng anim na buwan na rehabilitasyon. | via Jojo Ismael

Photo courtesy: https://bit.ly/2HvtQIf