Sen. Poe, pina-aamyendahan ang 81-taong gulang na Public Services Act

Paliwanag ni Poe, na siyang chairperson ng Senate Committee on Public Services, ang kanyang isinusulong na mga amyenda ay para na rin masolusyonan ang pagkalito sa depinisyon o pagkakaiba ng public utility at public services na umano’y naging balakid din sa pagsulong ng ating ekonomiya sa loob ng ilang dekada.

Pinaaamiyendahan ni Senadora Grace Poe ang 81-taong gulang na Public Service Act upang maitugma sa kasalukuyang pangangailangan ng bansa.

Sinabi ni Senadora Poe na napapanahon ang pagreporma sa umano’y napakahigpit na panuntunang pang-ekonomiya ng bansa. Ito’y upang makalikha ng maraming trabaho at maibaba ang presyo ng mga serbisyo.

Paliwanag ni Poe, na siyang chairperson ng Senate Committee on Public Services, ang kanyang isinusulong na mga amyenda ay para na rin masolusyonan ang pagkalito sa depinisyon o pagkakaiba ng public utility at public services na umano’y naging balakid din sa pagsulong ng ating ekonomiya sa loob ng ilang dekada.

Sa panukala ni Poe, ang mga banyagang negosyante at mamumuhunan ay papayagang makapasok at magnegosyo sa bansa. Ito’y upang mapataas ang kumpetisyon at para magkaroon ng mas mahusay na kalidad ng serbisyo at lilikha ng maraming trabaho. | via Jojo Ismael