Sen. Pimentel, nanawagan na magkaroon ng Dep’t of OFWs

Muling iginiit ni Senador Koko Pimentel ang panawagan na magkaroon ng Department of OFWs.
Ayon kay Pimentel, hindi dapat ipagsawalang-bahala ng pamahalaan ang mataas na bilang ng mga Pinoy abroad.  

Sa ngayon, nasa 11:1 na ang ratio ng populasyon ng mga OFW, kaya dapat, ayon kay Pimentel ay may isang departamento na tututok sa pangangailangan ng mga Pinoy abroad.

Naniniwala ang mambabatas na maaaring tumutok ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga domestic employment, habang isa pang kagawaran ang dapat na nakatuon naman sa mga Pinoy abroad.

Sa ngayon aniya, may problema ang bansa sa under employment ng mga OFW abroad, partikular sa Gitnang Silangan at Kingdom of Saudi Arabia dahil sa bumabang halaga ng langis na posibleng magresulta ng pagkawala ng tinatayang nasa $1.5 billion sa kita ng bansa. | ulat ni Melany-Valdoz Reyes