Sen. Pangilinan: Karamihan sa taongbayan ay kulang sa kaalaman sa kasalukuyang Konstitusyon ng bansa

Sinabi ni Senador Francisco Pangilinan na karamihan sa taongbayan ay kulang sa kaalaman patungkol sa kasalukuyang Konstitusyon ng bansa.

Ayon kay Pangilinan, chairman ng Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes, sa kanilang pag-iikot sa ibat-ibang bahagi ng bansa kaugnay ng public hearing tungkol sa Charter Change, malinaw umanong sinasabi ng mga tao na hindi sapat ang kanilang kaalaman tungkol sa kasalukuyang Saligang Batas.

At ito umano ang dahilan kung bakit hindi sila makabuo ng maayos na pasya tungkol sa panukalang Cha-Cha dahil hindi umano malinaw sa kanila kung ano ba ito.

Dagdag pa ni Pangilinan na isa rin ito sa mga pangunahing dahlia kung bakit hindi sang-ayon sa Cha-Cha ang marami sa mga dumalo sa kanilang isinagawang pagdinig publiko.

Isa pang sentimiyento sa mga hearing na ipinahayag ng mga eksperto at batayang sector ay unahin muna ang mga problema sa trabaho at presyo ng mga bilihin, yong mga araw-araw na problema ng karaniwang Pilipino, ani Pangilinan.

Diin ng mambabatas na malinaw na ang kailangan at dapat tutukan ay ang pagpalalim ng kaalaman ng ating mga mamamayan tungkol sa Saligang Batas upang magkaroon sila ng sapat na kaalaman upang makapagpasya kung dapat nga ba itong baguhin o hindi. | via Jojo Ismael