Sen. Pacquiao, humiling sa US na mapabilis ang delivery ng Moderna vaccine

Sumulat si Senator Manny Pacquiao kay US President Joseph Biden, para hilingin na mapabilis ang pag-deliver sa bansa ng 20 million doses ng Moderna COVID-19 vaccine, na inorder ng Pilipinas.

Sa liham ni Pacquiao, na may petsang April 10, umapela ang senator sa presidente ng Estados Unidos na maipadala na kaagad sa bansa ang kahit 10 milyong doses o kalahati lang ng mga inorder nating bakuna.

Sa isang panayam naman, nilinaw ng senator na hindi siya direktang sumulat sa White House, bagkus ay pinadaan niya ito kay Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez..

Hindi rin umano pinapangunahan ni Pacman ang Malacanang o si Pangulong Rodrigo Duterte, at nais lang niyang gawin ang kanyang makakaya para makatulong sa sitwasyon ng bansa. 

Hinihintay pa ng senator ang sagot ng White House sa kanyang liham…