Sen. Pacquiao, handang muling mag-sponsor sa death penalty bill sa Senado

Sinabi ni Senador Manny Pacquiao na handa siyang muling idepensa ang panukalang death penalty sa Senado.

Matatandaang una nang isinulong ni Pacquiao ang death penalty noong 17th congress.

Pabor rin aniya ang fighting senator sa pagpapataw ng death penalty para sa drug-related heinous crimes at sa kasong plunder.

Giniit nito, hindi taliwas sa kanyang relihiyon ang pagsusulong niya ng parusang kamatayan.

Aniya, kaya niya itong ipaliwanag ng maayos, biblically at constitutionally.

Naniniwala ang senador, na mas may tiyansa na itong makapasa ngayon sa kongreso lalo na’t nabanggit ito ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang State of the Nation address (SONA) kahapon.

Mas maigi rin aniya kung gagawin itong urgent bill ng Pangulo para mas madali at mabilis na makapasa.