Sen. Nancy Binay, nanghihinayang sa pagbitiw sa pwesto ni Asec. Mocha Uson

May panghininayang si Sen. Nancy Binay sa pagbibitiw sa pwesto ni Communications Assistant Secretary Mocha Uson.

Ayon sa senadora, sa budget deliberation sana ang magandang pagkakataon na patunayan sa lahat na karapat-dapat itong tawaging Asec. Mocha Uson at sagutin ang mga isyu na ipinupukol sa kanya.

Sinabi rin ni Binay, bahagi ng pagiging kawani ng gobyerno na tanungin sa panahon ng pagpasa ng budget, dahil sila ay may pananagutan sa taumbayan, hindi naman personal ang mga tanong kundi may kinalaman sa trabaho.

Ganunpaman, respetuhin na lamang daw ang naging desisyon nito.

Inanunsyo ni Uson ang pagbibitiw sa pwesto kaninang umaga kasabay ng pagdinig ng Senado sa 2019 budget ng Presidential Communications Operations Office (PCOO).  | ulat ni Ched Oliva