Sen Legarda: Ang pagkalas mula sa Rome Statute ay bukas na opsyon para sinumang signatory sa naturang tratado

Ayon kay Legarda, Chairperson ng Senate Committee on Foreign Relations, siya’y kaisa ng Executive Department at ng kanyang mga kasamahang senador sa pagseguro na ang sovereign decision sa paglagda o kaya’y pagkalas mula sa international treaties, kabilang na ang Rome Statute, para sa pambansang interes ng Pilipinas.

Tuwirang sinabi ngayon ni Senadora Loren Legarda na ang pagkalas mula sa Rome Statute ay bukas na opsyon para sinumang signatory sa naturang tratado.

Ginawa ni Senador Legarda ang kanyang pahayag makaraan ang deklarasyon ng Pangulong Rodrigo Duterte na pagkalas mula sa Rome Statute, ang tratadong may likha at nagbigay kapangyarihan sa International Criminal Court o ICC.

Ayon kay Legarda, Chairperson ng Senate Committee on Foreign Relations, siya’y kaisa ng Executive Department at ng kanyang mga kasamahang senador sa pagseguro na ang sovereign decision sa paglagda o kaya’y pagkalas mula sa international treaties, kabilang na ang Rome Statute, para sa pambansang interes ng Pilipinas.

Kanyang tinukoy ang Senate Resolution No. 289 na naghahayag ng saloobin ng Senado kaugnay ng iniutos ng Konstitusyon para sa magkatuwang na treaty making power ng Senado at ng Ehekutibo.