Sen. Lacson: Naging pabaya ang DOJ sa drug case laban kay Espinosa, Lim, Kho at iba pa

Para kay Senador Ping Lacson, naging pabaya diumano ang National Prosecution Service ng Department of Justice sa drug case laban kina Kerwin Espinosa, Peter Lim, Peter Kho at iba pa, kung kaya’t nauwi sa dismissal ang mga nasabing kaso.

Para kay Senador Ping Lacson, naging pabaya diumano ang National Prosecution Service ng Department of Justice sa drug case laban kina Kerwin Espinosa, Peter Lim, Peter Kho at iba pa, kung kaya’t nauwi sa dismissal ang mga nasabing kaso.

Sa panayam sa Senado, sinabi ni Senate Committee on Public Order and Illegal Drugs Chair Senador Lacson, inamin umano mismo ng DOJ na hindi nila kinonsider ang transcript ng proceedings sa Senate kung saan malinaw na inamin ni Espinosa na isa siyang drug lord, magkano ang kinikita, sino ang pinapadalhan at kung magkano ang pinadala.

Diin ni Lacson, kung ipina-summon o kaya’y isinubpinang duces tecum sa Senate Secretariat, tiyak aniyang mapapadalhan ang DOJ ng kopya ng transcript ng Senate hearings.

Anang mambabatas, ang procedure sa DOJ, pinababayaan ang panel ng prosecutors na isagawa ang kanilang sariling diskarte sa mga kaso. At kapag may findings, lalo na kapag dismissal ay sinasabi na lang na subject for review.

Para kay Lacson, wala ng mas mabigat na ebidensya kaysa sa mga kaganapan sa open public hearings na makikita na walang panggigipit at kusang inamin ni Kerwin Espinosa na siya’y isang drug lord.

Dagdag pa ni Lacson na kapag nag-retract si Espionosa sa kanyang salaysay at pag-amin, may jurisprudence na mas matimbang ang naunang salaysay kaysa sa binawing testimonya. | via Jojo Ismael