Sen. Lacson: Mabilis na pagpasa ng 2020 proposed budget, posibleng mangyari

Posibleng maipasa ng maaga ng kongreso ang panukalang pondo para sa susunod na taon.

Sinabi ito ni Senador Panfilo Lacson kung totoo aniyang nasa ₱9.5 billion lang ang ni-realign ng mga mambabatas sa Kamara sa mga ahensya ng gobyerno, tulad ng Department of Education (DepEd), Department of Health (DOH),  National Food Authority (NFA) at iba pa.

Ayon kay Lacson, sakaling sinunod nga ng kamara ang tulad ng kanilang inanunsyo, maaari aniyang siya pa mismo ang magrekomenda sa mga kasamahan niya sa senado na i-adopt ang isinumiteng bersyon ng kamara.

Kapag nangyari aniya ito, ay wala nang magaganap na bicameral conference at diretso nang isusumite kay Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang pondo at maipapasa bago pa ang target nilang schedule.

Nitong October 1 ay naisumite na ng kamara ang inaprubahan nilang 2020 General Appropriations Bill (GAB) sa senado.