Sen. Go: DOJ bubuo ng task force na tututok sa inmates na kwalipikado nang makalaya sa Bilibid

Sinabi ni Senator Christopher ‘Bong’ Go na nangako sa kanya ang Department of Justice (DOJ) na bubuo ito ng task force na tututok sa pagrereview ng status ng mga inmate na kwalipikado nang makalaya.

Sinabi ito ni Go matapos niya mismong makita ang kalagayan ng mga preso sa loob, lalo ang mga matatanda at may sakit na preso.

Natanong rin aniya ng senador si mismong Justice Secretary Menardo Guevarra kung bakit nauuna pang makalaya ang mga nasa minimum security compound kaysa sa mga nasa maximum security compound ng New Bilibid Prison (NBP).

Bukod sa DOJ, hiningi na rin ni Go ang tulong ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III para matugunan ang pangangailangang medikal ng mga bilanggo.

Sinabi na aniya ng senador kay Duque, kung maaaring silipin ng DOH ang NBP hospital at kung maaari itong bigyan ng mga gamot at medical equipment.