Sen. Gatchalian, suportado ang desisyon ng Pangulong Duterte na alisin na nang lubusan ang deployment ban sa Kuwait

Suportado ni Senador Win Gatchalian ang desisyon ng Pangulong Duterte na alisin na ng lubusan ang ipinatupad na deployment ban sa mga OFWs patungong Kuwait.
 
Para kay Gatchalian, chairman ng Senate Committee on Economic Affairs, ang pagtanggal ng deployment ban ay ang lohikal na hakbangin matapos ang paglagda ng memorandum of understanding sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait na inaasahan na makatutulong sa pagpapalakas sa relasyon ng dalawang bansa.
 
Gayunpaman, dapat pa rin umanong magpatuloy ang pakikipag-ugnayan ng ating gobyerno sa Kuwaiti government para sa pagsiguro na ang mga karapatan ng mga OFW sa Kuwait ay kinikilala at iginagalang.
 
Nabanggit din ni Gatchalian na kinakailang ipursige ng mga kinauukulang ahensya ang kampanya laban sa mga illegal recruiter at panatilihin ang isang updated database ng mga accredited recruiter upang ma-monitor ang deployment ng mga OFWs, i-monitor ang kanilang mga kondisyon, at magsagawa pa ng mga stratehiya para maproteksyunan ang kanilang mga karapatan at kapakanan. | via Jojo Ismael